Holdap: P.3M tangay sa bisor

BULACAN, Philippines  – Tinatayang aabot sa P.3 milyon na sinasabing pambili ng materyales ang nalimas matapos holdapin ang 27-anyos na bisor ng tatlong armadong kalalakihan sa Barangay Tabe sa bayan ng Guiguinto, Bulacan kahapon. Kinilala ng pulisya ang hinoldap na si Andy Levi, supervisor ng PCN Enterprises at nakatira sa Barangay Sta. Rita. Bandang alas-8:15 ng umaga nang harangin at holdapin ang biktima matapos itong bumili ng pagkain sa karinderya na may ilang metro lamang ang layo sa kanyang trabaho. Tinangkang agawin ng biktima ang kanyang bag na naglalaman ng mala­king halaga subalit natakot ito matapos magpaputok ng baril ang mga holdaper na tumakas lulan ng motorsiklo.

Show comments