CAVITE, Philippines — Napaslang ang 32-anyos na foreman matapos itong baretahin sa ulo ng kanyang tauhan sa Barangay H2, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktima na si Raymond Nocum ng Brgy. Sta. Lucia sa nasabing lungsod habang naaresto naman ang suspek na si Jay Malinao, 27, ng Block 1, Interfashion sa nabanggit na barangay. Ayon kay PO3 Rez Alovera, lulan ng motorsiklo ang biktima nang harangin at tirahin ng suspek na may hawak na bareta. Hindi pa nakontento ay hinataw pa uli ng bareta kung saan tinamaan sa likod ang biktima. Pinaniniwalaang nagalit ang suspek sa biktima dahil sa pagkakasibak nito sa trabaho bilang construction worker.