SITG binuo vs gunman ng Dutch missionary
MANILA, Philippines - Bumuo na kahapon ng Special Investigating Task Group (SITG) upang imbestigahan ang pagpatay sa 67-anyos na Dutch missionary na tumutulong sa mga manggagawa ng Hacienda Luisita sa Tarlac na sinasabing niratrat sa San Fernando City, Pampanga kamakalawa ng tanghali.
Base sa record ng pulisya, noong Martes ng tanghali ay pinagbabaril ng riding-in-tandem ang biktimang si Willem Geertman, executive director ng Alay bayan Inc. ilang metro lamang ang layo sa kaniyang opisina sa L& S Subdivision sa Barangay Telebastagan.
Nabatid na ang AB ay kasamahan ng Alyansang Magbubukid ng Gitnang Luzon (AMGL), mother unit ng Alyansa ng Manggagawang Bukid ng Asyenda Luisita (AMBALA) na non-government organization (NGO’s ).
Lumilitaw naman sa inisiyal na imbestigasyon na pagnanakaw ang motibo ng mga suspek dahil nawawala umano ang bag na bitbit ng biktima na sinasabing naglalaman ng P1.2 milyon na winidraw nito banko.
Sa pahayag ng mga testigo, nakita pa umanong nakaluhod at nagmamakaawa para sa kaniyang buhay ang biktima bago ito binaril ng mga suspek.
Sa tala ng pulisya, si Geertman ang ikalawang European community worker na napatay sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III kung saan ang una ay si Italian Fr. Fausto Tentorio na pinagbabaril sa bayan ng Arakan, Cotabato noong Oktubre 2011.
Hindi kami ang killer – Phil. Army
Hinamon naman ni Army Spokesman Major Harold Cabunoc ang militanteng grupo na maglabas ng ebidensya at huwag basta na lamang mag-akusa laban sa mga sundalo.
“That is an irresponsible accusation which is not based on evidence. If they have proofs that our soldiers are behind this killing, we will not hesitate to let the accused soldiers answer the charges in a court of law. Extrajudicial killing is not practiced by our soldiers,”dagdag pa ni Cabunoc.
- Latest
- Trending