^

Probinsiya

Nakapagpiyansang NPA kumander namundok muli

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Namundok muli  ang nakalayang kumander ng New People’s Army na akusado sa mga kasong kriminal matapos na magpiyansa mula sa kulungan sa Negros Occidental, ayon sa opisyal ng militar kahapon.

Sinabi ni Army’s 3rd Infantry Division spokesman Major Enrico Gil Ileto, na-monitor ng mga intelligence operative ang muling pamumundok ni Romeo Nanta, pinuno ng NPA’s regional operations command sa Negros Island.

Si Nanta ay pansamantalang pinalaya noong Peb­rero 21, 2012 matapos na maglagak ng P80,000 piyansa sa kor­te sa tulong ng mga kaalyado nitong human rights advocate group at militanteng grupo.

Base sa tala, si Nanta na gumagamit ng mga alyas Juanito Magbanua, Jack Nanta, Juaning, Islao at Kulas ay  nasakote sa bisa ng warrant of arrest sa mga kasong kriminal sa Brgy. Zone 2, Cadiz City noong Nobyembre 7, 2011.

Nabatid din na si Nanta ang responsable sa pana­nambang sa sasakyan ng lokal na pamahalaan sa Barangay Salamanca sa bayan ng Taboso, Negros Occidental noong Hulyo 13, 2009.

Maging ang pagsalakay at pagdisarma sa mga tauhan ng 1st Provincial Mobile Group detachment sa Escalante City noong Marso 19, 2006 at ang panununog sa Victorias Milling Company, Globe Telecom cellsite sa Brgy. Poblacion at sa Central Lopez transloading Station sa bayan ng Toboso noong Marso 2008.

BARANGAY SALAMANCA

BRGY

CADIZ CITY

CENTRAL LOPEZ

ESCALANTE CITY

GLOBE TELECOM

INFANTRY DIVISION

JACK NANTA

JUANITO MAGBANUA

MAJOR ENRICO GIL ILETO

NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with