Killer ng Comelec official, dakma

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng pulisya ang nagtatagong pangunahing suspek sa pagpatay sa opisyal ng Comelec ng Isabela noong 2009 sa isinagawang raid sa bayan ng Alfonso Lista, Ifugao kahapon ng madaling araw. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Felipe Jesus Torio ng Cagayan Regional Trial Court Branch 12 sa Isabela, dinakma ang suspek na si Giovanni “Baning” Mendoza ng Roxas, Isabela. Ayon kay P/Chief Supt. Benjamin Magalong, bandang alas-4:30 ng madaling araw nang masakote ang suspek sa Purok 2, Brgy. Kalupaan. Ang suspek ang itinuturong responsable sa pamamaril at pagpatay kay Atty. Michael Valdez noong Nobyembre 14, 2009 sa loob ng pag-aari nitong Country Hotel State Inn sa Barangay 4, Tumaini, Isabela.

Show comments