^

Probinsiya

3 bulagta sa rambulan sa disco bar

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Bumulagta ang tatlong kalalakihan habang limang iba pa ang nasugatan matapos sumiklab ang rambulan ng magkalabang grupo sa disco bar sa Barangay Bao Alamada, Cotabato City, kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Agaton Bernabe, Romeo Francisco Egan at si Richard Demetrio.

Samantala, isinugod naman sa ospital ang mga sugatang sina Julie Corbena, Jeje Egan, Bernard Macario, Arnold Egan at si Ali Bernabe.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na mu­ling nagkrus ang landas ng magkalabang grupo ni Romeo Egan at Agaton Bernabe  sa disco bar sa Sitio Kabuluan sa nabanggit na barangay.

Dito na nagkabunutan ng baril at patalim ang magkabilang grupo kung saan umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril at nagsaksakan habang nagpanakbuhan naman sa matinding takot ang mga dumalo.

Nahinto lamang ang kaguluhan matapos na rumesponde ang mga barangay tanod at pulisya kung saan patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

AGATON BERNABE

ALI BERNABE

ARNOLD EGAN

BARANGAY BAO ALAMADA

BERNARD MACARIO

COTABATO CITY

JEJE EGAN

JULIE CORBENA

RICHARD DEMETRIO

ROMEO EGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with