16-anyos lunod sa canal

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Isang 16-anyos na binatilyo na nagnais magpalamig upang pawiin ang matinding init ng araw ang iniulat na nasawi matapos malunod sa irrigation canal sa Barangay Eden sa bayan ng San Manuel, Isabela kahapon. Nabatid na nagkayayaan ang biktimang si Fidel Santos at apat pang kaibigan nitong kabataan na magbabad sa irrigation canal.

Dito na tumaas ang rumagasang tubig sa canal kaya tinangay ang biktima hanggang sa malunod.

Show comments