2 dedo sa sunog

MANILA, Philippines - Nasawi ang dalawang sibilyan matapos makulong ng apoy sa loob ng kanilang tahanan na nasusunog sa bayan ng Bangued, Abra kamakalawa ng madaling-araw. Halos nagmistulang uling ang mga katawan nina Yolanda Belena,14; at Rose Jay Belena, 9, kapwa nakatira sa Barangay Lingtan. Sa inisyal na imbestigasyon, ang dalawang biktima ay natutulog sa kanilang kuwarto nang gumapang ang apoy sa 2-storey na bahay ni Amelia Beleno, 74. Mabilis na kumalat ang apoy na tumupok sa buong kabahayan kung saan nabigong mailigtas ang mga biktima dahil masyadong malaki ang apoy kung saan naapula ang sunog matapos ang halos isang oras.

Show comments