Tangkang pagpapasabog, nasilat

CAMARINES NORTE, Philippines  - Pinaniniwalaang tatangkaing magpasabog sa loob ng kulungan ang 22-anyos na lalaki ang nasakote matapos itong makumpiskahan ng pampasabog habang dumadalaw sa kanyang kaibigang nakakulong sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa ng umaga. Kinilala ni P/Supt. Efren Tublan ang suspek na si Anthony Ramos ng Purok 4A, Barangay Tulay na Lupa sa nabanggit na bayan. Nasamsam sa suspek ang tatlong time fuse, blasting cap at 250 gramo ng ammonium nitrate. Lumilitaw na dadalaw sana sa kanyang kaibigan ang suspek subalit sinita siya ng desk officer dahil sa bitbit nitong bag. Nang suriin ang laman ng bag ay lumantad ang ilang gamit sa pampasabog.

Show comments