Kuya initak ng utol dahil sa utang

ILAGAN, Isabela, Philippines – Isang 51-anyos na karpintero ang malubhang nasugatan matapos na tagain sa mukha ng sariling kapatid na tinanggihan niyang bayaran ang pagkakautang sa panibagong karahasang naganap sa Barangay Anao sa bayan ng Cabagan, Isabela kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Fortunato Duldulao habang naaresto naman ang suspek na si Rex Duldulao, 39, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Nabatid na sumugod sa tahanan ng biktima ang suspek na lango sa alak kung saan pilit nitong sinisingil ang pagkakautang ng una. Ayon sa imbestigasyon, tumangging magbayad ng biktima kaya tinabla na lang siya ng suspek.

Show comments