Lolo hinataw ng baseball bat, utas

TUGUEGARAO CITY, Philippines  - Nangisay bago namatay ang 60-anyos na lolo matapos itong hambalusin ng baseball bat sa ulo at leeg ng anak ng kanyang ka-live-in sa Barangay Poblacion South, Solano, Nueva Vizscaya kahapon.

Kinilala ni P/Chief Insp. Alberto Bagarra, hepe ng pulisya sa bayan ng Solano, ang biktima na si Vicente Guillermo habang sumuko naman ang suspek na si As­nawi Diongcat, 31, ng Ba­rangay Bagahabag.

Unang inireklamo sa pulis­ya ang biktima ng kanyang ka-live-in dahil sa pambubugbog.

Ang reklamo ng misis ay umabot sa kaalaman ng anak nitong si Asnawi Diongcat, 31, ng Barangay Bagahabag kung saan na­ngakong ipaghihiganti ang kanyang ina.

Natiyempuhan ng suspek ang biktima sa barbekyuhan sa plaza at walang sabi-sabing sinapak.

Habang hilo ang biktima, sinundan pa ng suspek ng sunud-sunod na hataw ng baseball bat sa ulo hanggang sa lumagapak ito sa lupa.

Bilang pagtatapos, hinataw pa ng suspek ang leeg ng matanda kaya natuluyan.

Show comments