2 Haponesa ni-rape ng 2 Koreano

MANILA, Philippines - Masaklap ang pagbabakasyon ng dalawang tu­ristang Haponesa matapos itong halayin ng dalawang Koreanong naka-text mate sa Cebu City, Cebu noong Biyernes ng hapon.

Lumuluhang dumulog sa himpilan ng pulisya ang mga biktimang sina Miko, 20, ng Kurokami, Sasebo, Nagasaki, Japan at Arika, 20, ng Inari, Gipu, Japan.

Arestado naman sa follow-up operations ang mga suspek na sina Carl Park, 21, ng Gangwondo, South Korea, nanunuluyan sa Barangay Agus, Lapu-Lapu City, Cebu; at Jong Duk Lee, 34, ng Mung Gu, South Korea, nakatira naman sa Collinwood, Lapu-Lapu City, Cebu.

Sa police report, ang mga suspek ay nakilala ng dalawang biktima noong Biyernes ng hapon sa tapat ng kanilang tinutuluyan sa Dady’s Cesa Romero matapos lumapit at maki­pagkaibigan at hingin ang kanilang cell phone number.

Kinagabihan ay nag-text ang mga suspek sa dalawang biktima kung saan niyayang maghapunan sa SM City Cebu bago sila niyayang mag-inuman sa Mountain View sa Brgy. Busay, Cebu City.

Lumipat pa sa Juliana Bar sa Mango Square sa Gen. Maxilom Avenue ang apat na dayuhan.

Gayon pa man, nala­sing ang dalawang biktima na sinamantala naman ng mga suspek at pinagtig-isahang dinala sa Queensland Motel sa Lapu-Lapu City kung saan ang mga ito hinalay.

Noong Sabado ay nagtungo sa himpilan ng pulisya ang mga biktima at nagharap ng reklamo laban sa mga suspek kung saan nasakote naman sa Sunny Hills Subdivision sa bayan ng Talamban, Cebu.

Show comments