Magkaibigan utas sa bike

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa magkaibigang mister matapos sumemplang ang kanilang motorsiklo sa kalsadang sakop ng Sitio Curvada, Barangay Bangad sa bayan ng Milagros, Masbate kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina Pio Alvarado, 52; at Editho Pautan, 42, kapwa nakatira sa Sitio Curvada sa nabanggit na barangay. Lumilitaw na magkaangkas sa motorsiklo ang dalawa nang sumemplang dakong alas-10:40 ng gabi. Nabatid na pauwi na ang dalawa mula sa Masbate City nang makasalubong si kamatayan.

Show comments