4-katao nalason sa itlog

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Nalason ang apat na katao matapos kumain ng itlog na pula sa kanilang panangha­lian kamakalawa sa Barangay Linao East sa Tuguegarao City kamakalawa. Isinugod sa City Health Hospital ang mga biktimang sina Militon Macababbad, 62; Mark Neil, 19; Mylene 35, mga anak; at manugang nitong si Herbert Sison, 33. Ang mga biktima ay nagreklamo ng pagduduwal, pananakit ng tiyan at pagkahilo matapos kumain ng itlog na pula. Sinabi ni City Health Officer Dr. James Guzman, na nakalalason ang pagkain ng itlog na pula kapag mayroon nang matagal na bitak na pinapasukan ng mikrobyo. Tanging ang ina ng tahanan na naghanda ng ulam na itlog na pula ang hindi nadamay dahil sa hindi ito kumakain ng itlog kapag hindi sariwa.

Show comments