Konsehal inutas sa hapag-kainan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  – Napaslang ang konsehal ng barangay matapos pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki habang ito ay naghahapunan kasama ang kanyang misis at mga anak sa Barangay Manamoc sa bayan ng Aroroy, Masbate kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng pulisya, naganap ang pamamaril sa biktimang si Jesus Pinbo dakong alas-6:30 ng gabi habang naghahapunan kasama ang kanyang pamilya sa loob ng kanilang bahay. Mabilis naman tumakas ang dalawang gunmen habang nakatulala naman ang asawa at mga anak ng biktima matapos masaksihan ang krimen.

Show comments