^

Probinsiya

Lola dinos-por-dos ng lolo, todas

- Joy Cantos - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Dahil sa matinding selos, napatay ang 65-anyos na lola matapos itong pag­hahampasin ng matigas na kahoy ng kaniyang mister sa Barangay Cuambogan, Tagum City, Davao del Norte kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ang nasawing biktima na si Neria Busano na nagka-internal he­morrhage partikular na sa bahagi ng ulo.

Ang biktima ay natagpuan ng kanilang kasambahay sa ibabaw ng ka­ma­ ilang oras matapos pas­langin ng asawa nitong si Florencio Busano, 65.

Batay sa ulat  ng Davao del Norte PNP na nakara­ting sa Camp Crame, naganap ang krimen sa tahanan ng mag-asawa sa Purok Sto. Niño.

Sa presinto, matapos makonsensya ay sumuko ang suspek na inaming pinaslang niya ang kaniyang maybahay matapos na magdilim ang paningin sa panibugho.

Nabatid na may  nagsumbong kay lolo na isa sa kanilang mga kapitbahay na may nagugustuhan itong guwapo at batang lalaki kung saan lalo pang tumindi ang selos nito dahil laging nakapustura ang lola.

Nang umuwi ay hinagilap ng nasabing lolo ang matigas na kahoy at pinag­hahampas ang natutulog nitong misis kung saan hindi na nagising.

Nahaharap sa kasong parricide ang suspek habang humihimas ng rehas na bakal sa detention cell ng Tagum City Police.

vuukle comment

BARANGAY CUAMBOGAN

CAMP CRAME

DAVAO

FLORENCIO BUSANO

NERIA BUSANO

NORTE

PUROK STO

SHY

TAGUM CITY

TAGUM CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with