^

Probinsiya

Myanmar pupil, kinidnap

- The Philippine Star

STA CRUZ, Laguna, Philippines  – Binabalot ngayon ng takot ang pamilya ng isang 7-anyos na batang dayuhang anak ng prominenteng negosyante matapos dukutin ito ng mga armadong kalalakihan sa lungsod ng Biñan sa Laguna kahapon ng umaga

Kinilala lamang ni Senior Superintendent Gilbert Cruz, Laguna Police Director ang biktima na si Reynald Chew, Myanmar national, estud­yante ng Montesori Childrens Woodside sa lungsod.

Ayon sa report, papasok na ng kanyang eskwelahan ang biktima sakay ng school service nang harangin ng apat na armadong kalalakihan sakay ng isang kulay maroon na Nissan Sentra (TBK 827) pagsapit sa national highway  Bgy San Francisco bandang alas- 7:30 ng umaga

Batay sa salaysay ng mga saksi, puwersahang isinakay ang biktima sa get-away vehicle ng mga suspek bago sumibat patungo sa ‘di malamang direksyon

Ayon kay Cruz, tinurn-over na nila ang kaso sa Anti-Kidnapping Task Group ng Camp Crame para magsagawa ng follow-up operation.

ANTI-KIDNAPPING TASK GROUP

AYON

BATAY

BGY SAN FRANCISCO

BINABALOT

CAMP CRAME

LAGUNA POLICE DIRECTOR

MONTESORI CHILDRENS WOODSIDE

NISSAN SENTRA

REYNALD CHEW

SENIOR SUPERINTENDENT GILBERT CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with