^

Probinsiya

Tricycle vs tren: 5 patay; 8 sugatan

- Ed Casulla - The Philippine Star

LEGAZPI CITY, Philippines  – Lima katao ang kumpirmadong nasawi habang walo pa ang nasugatan makaraang aksidenteng suwagin ng isang humahagibis na tren ang isang pampasaherong tricycle habang tumatawid sa riles ng Philippine National Railways (PNR) sa Brgy. San Isidro, Iriga City, Camarines Sur kahapon ng umaga.

 Sa ulat ng tanggapan ni Police Regional Office (PRO) V Director P/Chief Supt. Arnie de los Santos, kinilala ang mga nasawing biktima na sina Danilo Doroteo, 51 anyos, driver ng tricycle; mga  anak nitong sina Kimberly, 13; Kent Lester, 12 ; Shiela Sapinoso, 30, guro sa Sta Maria Elementary School at John Richard Rosal.

Tatlo sa mga biktima ay pawang dead-on-the-spot sa insidente habang hindi na u­mabot ng buhay sa pagamutan ang dalawa pa sa mga ito.

 Ang mga nasugatan ay mabilis namang isinugod sa Rinconada Medical Center upang malapatan ng lunas ay sina Mike Villanueva, 15; Hanny Mae Baal, 12; Ronil Rodillas, 13; Loren Legarda, 12; Jessica Barino, 17; Jo­shua Salamangue, 14; Hanson Baal, 15 at Angelo Zoila, 15 anyos; pawang residente ng lungsod.

 Base sa imbestigasyon, naganap ang malagim na trahedya dakong alas-7:10 ng umaga habang ang tricycle na sinasakyan ng mga biktima ay papatawid sa riles ng PNR sa nasabing lugar ng aksidente itong mabangga ng papara­ting na tren na minamaneho ni Froilan Ollero na galing Metro Manila at patungong Ligao City, Albay.

 Karamihan sa mga sakay ng tricycle na lumilitaw na overloaded ay mga estud­yante at guro na ihahatid sana  papasok sa eskuwelahan at ang tren naman ay tinatayang may lulang 70 pasahero.

 Wala umanong ‘signage’ at barandilya sa nasabing riles at hindi napansin ng driver ng tricycle ang paparating na panganib kung saan tuluy-tuloy na sinuwag ang kanilang sasakyan ng dambuhalang tren.

ANGELO ZOILA

CAMARINES SUR

CHIEF SUPT

DANILO DOROTEO

FROILAN OLLERO

HANNY MAE BAAL

HANSON BAAL

IRIGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with