MEYCAUAYAN CITY, Bulacan, Philippines – Nagwakas na rin ang mahabang panahong pagtutulak ng droga ng isang lalaking nakatala bilang numero unong drug pusher ka sunod ng pagkakaaresto dito matapos na masamsaman ng P.1 M halaga ng shabu kamakalawa.
Hindi na nakapalag pa sa mga tauhan ni P/Supt. Hector Samar ang suspek na kinilalang si Arwin Leonardo 31, residente ng Teodora Ville, Brgy. Pandayan sa siyudad na ito.
Bandang alas-8:15 ng gabi ng magsagawa ng operasyon ang mga awtoridad kung saan nasabat ang suspek habang lulan ng motorsiklong Yamaha Mio na walang plaka.
Nasamsam mula sa sus pek ang 11 sachet ng shabu, di-gital weighing scale, P2,300 piso na pinagbentahan ng droga at iba pa.