^

Probinsiya

Police trainee patay sa training

- Ed Casulla - The Philippine Star

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  – Isang police trainee ang nasawi habang grabe naman ang kasamahan nito matapos na isugod sa pagamutan nang makaramdan ng pagkahilo habang su­masailalim sa Modified Scout Training sa Brgy. Villahermosa, Daraga, Albay, kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si PO1 Kenneth Lorerina, 22, binata, binawian ng buhay habang ginagamot sa Aquinas Hospital at patuloy namang inoobserbahan ang kasamahan nitong si PO1 Noli Pili, 24 ng Bato, Camarines Sur.

Ayon kay PSupt. Renato Ba­ taller, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 5, na ang mga biktima ay isi­nugod sa RHS-5 Medi­cal Dispensary, mula sa training camp sa Villahermosa matapos ang mga itong dumaing ng paninikip ng dibdib.

Gayunman, dakong alas-12:25 ng madaling-araw ka­ha­pon ay pumanaw na si Lo-re­rina na ayon sa mga mang­gagamot ay sani ng hypoxia o kakulangan ng hangin sa katawan.

Sa kasalukuyan ay ma-susi pang iniimbestigahan    ng mga awtoridad ang kasong ito.

AQUINAS HOSPITAL

CAMARINES SUR

KENNETH LORERINA

LEGAZPI CITY

MODIFIED SCOUT TRAINING

NOLI PILI

POLICE REGIONAL OFFICE

RENATO BA

SHY

VILLAHERMOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with