Barker tinodas sa traysikel

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 35-anyos na barker ng sasak­yan ng tatlong di-kilalang lalaki sa Barangay Almedras, Sorsogon City, Sorsogon kahapon ng madaling-araw. Napuruhan sa dibdib at tiyan ang biktimang si Melchor “Bangkay” Banares ng Barangay Sampaloc sa nasabing lungsod. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na natutulog ang biktima sa loob ng traysikel ni Dennis Dicen na nakaparada sa gasolinahan nang lapitan at ratratin. Tumakas naman ang gunmen lulan ng motorsiklo habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments