^

Probinsiya

P3-M naabo sa gasolinahan

- The Philippine Star

QUEZON, Philippines - Aabot sa P 3 milyong halaga ng ari-arian ang naabo matapos na masunog ang gasolinahan, tindahan at computer shop sa Barangay Mayao Parada, Lucena City, Quezon noong Lunes ng umaga.

Sa police report, dakong alas-6 ng umaga ng masunog ang gasolinahan na pag-aari ni Carlito Cantos, 57.

Isinugod  naman sa Quezon Medical Center ang sugatang gasoline boy.

Ayon sa imbestigasyon, isinaksak ng gasoline boy na si Amando Jamito ang electric pump malapit sa isa sa gasoline tanks na nag-spark hanggang sa pagmulan ng apoy.

Mabilis na kumalat ang apoy na tumupok sa nasa­bing gasolinahan at maging sa mga panindang LPG, fertilizer, feeds, iba pang commercial products at 22 yunit ng computer.

Nasunog din ang agricultural supply store at computer shop na katabi ng gasolinahan na pag-aari rin ni Cantos kung saan naapula naman ang apoy dakong alas- 6:55 ng umaga.

Gayon pa man, walang sinisisi sa nangyari si Mang Carlito subalit nalulungkot sila at nanghihinayang sa mga nasunog.Tony Sanodval at Michelle Zoleta

AABOT

AMANDO JAMITO

AYON

BARANGAY MAYAO

CARLITO CANTOS

LUCENA CITY

MANG CARLITO

MICHELLE ZOLETA

QUEZON MEDICAL CENTER

TONY SANODVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with