Trike vs truck: 2 utas, 1 kritikal

BULACAN, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang kritikal naman ang isa pa matapos salpukin ng cargo trak ang kanilang traysikel sa MacArthur Highway sa Barangay Saluysoy, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital sina Menandro De Vera Jr., 32, traysikel drayber, ng Brgy. Ibayo, Marilao; at Reynaldo Fariñas, 21, ng Nortville-3, Brgy. Bayugo habang kritikal naman si Jay-Jay Ramos, 33, traysikel, ng Notrhville 3, Brgy. Bayugo, Meycauayan City. Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng truck na si Roberto Patingo, 33, ng Barangay Parada, Sta. Maria, Bulacan.

Sa imbestigasyon ni PO2 Fauji Muhalim, nag-overtake ang traysikel ng­ mga biktima sa sinusundang sasakyan sa nasabing highway nang makasalubong ang cargo truck (RJM839). Nabatid din sa ulat ng pulisya na pawang lango sa alak ang mga biktima nang makasalubong si kamatayan.

Show comments