10 mangingisda naisalba

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Sampung mangingisda mula sa Davao del Sur at Sarangani na inabot ng unos sa karagatan noong Hunyo 12 ang himalang nakaligtas matapos ang tatlong araw na nagpalutang-lutang sa karagatan ng Davao Gulf. Walo sa nailigtas ng mga awtoridad na napadpad sa baybayin ng Don Marcelino, Davao del Sur ay sina Rodrigo Campos, Wilfredo Boloron, Juan Dimanuwan, Ireneo Ruiz, isang Alias Victor, Gilbert Hornales, Alfredo Boloron, at si Vio Haguyahay. Nakaligtas din ang mga mangingisdang sina Roel Entera at Junifer Carreon na taga-Sarangani province. Sa loob ng tatlong araw ay walang kinain ang mga biktima, umiinom lamang ng tubig-dagat para mabuhay.

Show comments