^

Probinsiya

Mister nangumpisal na may kulasisi, nag-suicide

- Joy Cantos - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Nangumpisal munang may kulasisi bago nagbaril sa sarili ang 39-anyos na mister matapos itong magbaril sa sarili sa harapan ng kaniyang misis sa Barangay Pook, Talisay City, Cebu kahapon ng madaling araw.

Tama ng bala ng ba­ril sa ulo ang tumapos sa buhay ni William Villanueva, barangay tanod sa nabanggit na barangay.

Lumilitaw na nakipag-inuman pa sa mga kaibigan ang biktima noong Biyernes ng gabi na inabot ng hanggang pasado alas-12 ng madaling-araw bago ito umuwi.

Bitbit ang matagal ng itinatagong lihim at dala marahil ng surot ng konsensya ay inamin ng biktimang senglot sa kaniyang misis na si Edna Villanueva na  nagkaroon siya ng  relasyon sa ibang babae.

Ayon pa sa biktima na may asawa na rin ang babae ng mabatid ang bawal nitong relasyon sa kaniyang mister ay pinagbabantaan ang kaniyang buhay.

Nagimbal na lamang ang misis sa kanyang mister matapos na bigla nitong iputok sa kanang bahagi ng ulo ang hawak na cal. 38 revolver kung saan naglagos sa kaliwang ulo. Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit idineklarang patay.

vuukle comment

AYON

BARANGAY POOK

BITBIT

BIYERNES

CEBU

EDNA VILLANUEVA

LUMILITAW

NAGIMBAL

TALISAY CITY

WILLIAM VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with