^

Probinsiya

Ex-pulis, 1 pa inutas sa loob ng kotse

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Palaisipan ang pagkamatay ng dalawa-katao kabilang ang dating pulis na natagpuan sa loob ng inabandonang kotse sa Biñan, Laguna kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang isa sa mga napaslang na si ex-PO1 Arturo Avellano Jr., na­dismis na miyembro ng Calamba City PNP at patuloy namang inaalam ang pagkakakilanlan ng isa pa.

Sa ulat ni P/Supt Leo­nard Luna na isinumite sa Camp Crame, bandang alauna y medya ng mada­ling araw nang madiskubre ang krimen sa Purok VI, Barangay Sto. Tomas sa nasabing bayan.

Lumilitaw na napansin ng ilang residente ang nakabalagbag na sasakyan ni Avellano sa kanilang lugar.

Inusisa naman ng mga residente ang loob ng sasakyan kung saan tumambad ang duguang bangkay ng dalawa na hindi pa alam kung tama ng bala ng baril o kaya’y saksak.

Ayon sa pulisya, hu­ling namataang buhay si Avellano habang nagpapagawa ng sasakyan sa Calamba City kamakalawa ng gabi.

vuukle comment

ARTURO AVELLANO JR.

AYON

BARANGAY STO

CALAMBA CITY

CAMP CRAME

INUSISA

KINILALA

LUMILITAW

PALAISIPAN

SUPT LEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with