Misis nagbaril sa sarili
CAVITE , Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 33-anyos na misis na sinasabing nagselos sa kanyang mister matapos itong magbaril sa sarili sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Limbon sa bayan ng Indang, Cavite kahapon ng madaling-araw. Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib si Magdalena Dimapilis matapos magbaril sa loob ng kanyang kuwarto. Bago maganap ang insidente ay namataan ang biktima na nakikipagtalo sa kanyang asawa kaugnay sa kumakalat na tsismis na may kinalolokohang babae ang kanyang mister. Nagkulong sa kuwarto ang biktima kung saan narinig na lamang ang malakas na putok ng baril.
- Latest
- Trending