3 holdaper arestado

RIZAL, Philippines  - Rehas na bakal ang binagsakan ng tatlong kalalakihan na sinasabing notoryus na holdaper ng taxi matapos itong masakote ng pulisya sa bayan ng San Mateo, Rizal kahapon ng madaling-araw. Kinilala  ni P/Supt. Ruben Piquero, ang mga suspek na sina  Mike Salino, 24, ng Phase - 4 Bankers Village, Bagong Silang, Quezon City; magkapatid na Yonilo Tan at Chris Tan, kapwa nakatira sa COA Sandiganbayan, Commonwealth, Quezon City. Lumilitaw na sumakay ang tatlo sa taxi ni Marcial Bautista kung saan nagdeklara ng holdap pagsapit sa bahagi ng Sitio Patiis, Brgy. Malanday. Nilimas ang kinita sa pamamasada at cellular phone ni Bautista saka ito pinalabas sa taxi. Agad namang naispatan ng biktima ang mobile patrol ng pulisya at humingi ng saklolo kaya nakorner ang mga suspek.

Show comments