Mister na may kaso, sinalvage

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  - Pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang 24-anyos na mister na natagpuang sa gilid ng highway sa Sitio Asid, Barangay Jamorawon sa bayan ng Milagros, Masbate kahapon ng umaga. May tama ng bala ng baril sa ulo ang biktimang si Angelo Espinas nang matagpuan bandang alas-7:45 ng umaga. Ayon sa pulisya, ang biktima ay may naka­binbing warrant of arrest na inisyu ni Judge Manuel Sese ng Masbate City Regional Trial Court Branch 45.

Show comments