^

Probinsiya

Pari sinaksak habang nagmimisa

- Boy Cruz - The Philippine Star

BULACAN, Philippines  - Himalang nakaligtas sa kamatayan ang 56-anyos na pari matapos na saksakin ng isang deboto na pinaniniwalaang may sakit sa pag-iisip habang nagmimisa sa loob ng simbahan sa bayan ng San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng umaga.

Nagtamo ng malalim na sugat sa kanang pulso ang biktimang si Father Mario Ladra ng San Lorenzo Ruiz Church sa Barangay San Manuel.

Habang nasakote naman ang suspek na si Divina Guantero, 44, ng Pleasant Hills Subdivision sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay PO1 Freddie Claro, naganap ang insidente habang nagsasagawa ng komunyon si Fr. Ladra sa mga nakapilang residente na kabilang ang suspek.

Lumilitaw na habang isinusubo na ang ostiya ay biglang sinaksak ng suspek ang biktima subalit nasalag ito ng kamay ni Fr. Ladra kaya hindi napuruhan sa dibdib.

Naging maagap naman ang mga sakristan na nakapaligid sa biktima at agad na napigilan ang muling pag-atake ng suspek.

vuukle comment

AYON

BARANGAY SAN MANUEL

BULACAN

DIVINA GUANTERO

FATHER MARIO LADRA

FREDDIE CLARO

LADRA

PLEASANT HILLS SUBDIVISION

SAN JOSE DEL MONTE CITY

SAN LORENZO RUIZ CHURCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with