^

Probinsiya

Saleslady pinugutan ng ka-live-in

- Raymund Catindig - The Philippine Star

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Pinaniniwalaang matin­ding selos ang umiral kaya pinugutan ang 22-anyos na saleslady ng kanyang ka-live-in sa Barangay Patul, Santiago City, Isabela kamakalawa.

Natagpuan sa bakanteng lote ang bangkay ng biktimang si Rosalia Timo habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa pangalang Boy Rustico na kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Nabatid na nagkaroon ng matinding pagtatalo ang magka-live-in kaugnay sa kumakalat na tsismis na maraming nahahalinang mga kasamahang lalaki sa ganda ng biktima.

Huling namataan ng mga kapitbahay ang biktima na hinahabol ng suspek na may bitbit na pangkatay na kutsilyo kung saan biglang naglaho sa dilim ang dalawa.

Natagpuan ng ilang residente ang bangkay ng saleslady na walang ulo sa bakanteng lote.

vuukle comment

BAKANTENG

BARANGAY PATUL

BOY RUSTICO

HULING

ISABELA

NABATID

NATAGPUAN

PINANINIWALAANG

ROSALIA TIMO

SANTIAGO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with