^

Probinsiya

Driver dedo sa road mishap

- Tony Sandoval - The Philippine Star

 QUEZON, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa driver ng trailer truck habang malubha naman ang kanyang dalawang pahinante matapos na bumangga ang kanilang sasakyan sa puno ng niyog sa gilid ng Maharlika Highway sa Barangay Madlandungan sa bayan ng Calauag, Quezon kamakalawa ng umaga. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Redford Sanchez, 28, ng Antipolo City, Rizal, habang ginagamot naman sa ospital ang mga pahinanteng sina Sammy Sanchez, 34, kapatid ng driver; at Edwin Plaza, 28, ng Cavite. Ayon kay SPO1 Victor Beso, patungong Kabikulan ang Fuzo trailer truck (TXX-330) na kargado ng mga mineral water mula sa bayan ng Cabuyao, Laguna nang mawalan ng kontrol sa manibela si Redford at sumalpok sa puno ng niyog. Nahirapan ang mga rescue team na alisin si Redford sa pagkakaupo nito dahil sa matinding pagkakaipit sa loob ng trak.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

AYON

BARANGAY MADLANDUNGAN

CABUYAO

EDWIN PLAZA

MAHARLIKA HIGHWAY

REDFORD

REDFORD SANCHEZ

SAMMY SANCHEZ

VICTOR BESO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with