Trader itinumba sa puwesto

KIDAPAWAN CITY, Philippines  – Kritikal ang isang 47-anyos na negosyante sa bayan ng Kabacan, North Cotabato matapos pagbabarilin ng di kilalang suspect sa harap ng isang tindahan sa Poblacion, alas-11:45 ng tanghali kahapon. Kinilala ang biktima na si Evelyn Diaz. Ayon kay Kabacan PNP chief, Supt. Raul Supiter, nagbabantay ng kanyang tindahan ang biktima nang lapitan ng suspect at barilin sa ulo gamit ang kalibre 45 na pistola. Agad tumalilis ang suspect patungo sa loobang bahagi ng palengke, sakay ng motorsiklo, habang mabilis namang naisugod sa pinakamalapit na ospital ang biktima. Patuloy pang inaalam ng pulisya ang motibo at kung sino ang nasa likod ng naganap na krimen.

Show comments