2 bata kritikal sa paputok

MANILA, Philippines - Tatlong bata kabilang ang 2-buwang gulang na sanggol ang nasa kritikal na kalagayan makaraang sumabog ang paputok na pinaglaruan ng isa sa mga ito sa Barangay Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental kamakalawa Kinilala ni P/Supt. Crisaleo Tolentino, hepe ng Dumaguete City PNP ang mga biktima na sina Myrna Corsame, 6; Sheila May Sibonga, 2; at si Ryan Marcoba, 2-buwang gulang na pawang nakatira sa Purok Kamaisan sa nabanggit na barangay. Naisugod sa Negros Oriental Provincial Hospital ang mga bata kung saan puputulan ng braso si Corsame matapos na madurog ito sa lakas ng pagsabog. Base sa imbestigasyon, lumilitaw na pinaglaruan ni Corsame at pukpukin pa ng bato. Napulot ni Corsame sa tambakan ng mga basura na iniuwi nito at pinukpok ng bato.

Show comments