12 hot car narekober
MANILA, Philippines - Umaabot sa 12 nakaw na sasakyan ang narekober ng PNP-Highway Patrol Group sa loob ng dalawang linggong anti-carnapping operations sa Bohol, ayon sa opisyal kahapon. Ang mga sasakyang narekober sa Bohol ay pruweba lamang na ginagamit ng carnapping syndicates na transhipment point sa pagproproseso at trafficking ng mga nakaw na behikulo mula sa Luzon. Kabilang sa mga narekober na Sports Utility Vehicles (SUV’s ) ay kinabibilangan ng Mitsubishi Pajero, Isuzu Crosswind at Nissan Urvan na ginagamit na pampublikong sasakyan. Samantala, ilan naman sa mga nasamsam na hot car ay natuklasang ninakaw sa Metro Manila simula pa noong 2004 hanggang 2005.
- Latest
- Trending