ISABELA, Philippines – Aabot sa 18-katao ang inulat na sagutan kabilang ang pitong nasa kritkal na kalagayan matapos mag-dive ng pampasaherong jeepney sa malalim na bangin sa bayan ng Natonin, Mountain Province kahapon ng umaga. ayon sa inisyal na ulat, dakong alas-8:20 ng umaga kahapon nang mahulog sa bangin ang pampasaherong jeepney ni Ordy Paran sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Umaleb-leb Poblacion. Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang sakuna sa bahaging ginagawang kalsada na walang kaukulang road signs kung saan bumuhos ang malakas na ulan kung saan madulas ang kalsada. Habang sinusulat ang balitang ito ay sinasabing pito sa mga sugatang pasahero ay nasa kritikal pang kondisyon matapos magtamo ng matinding pinsala sa katawan.