MANILA, Philippines - Kalaboso ang binagsakan ng dalawa-katao matapos maaktuhan ng mga operatbia ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group na nagbebenta ng mga pornographic material sa Davao City kamakalawa. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Jabbar Acmad, 28; at isang menor-de-edad na hindi tinukoy ang pagkakakilanlan. Ang dalawa ay nasakote sa inilatag na anti-pornographic campaign operations sa San Pedro at Ilustre Streets sa nasabing lungsod. Nasamsam sa mga suspek ang 166 pornographic DVD’s at iba pang pornographic material na ibinebenta sa Davao City.