2 utas sa salpukan ng bike

ILAGAN, Isabela, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Mabnang sa bayan ng Claveria, Cagayan noong Martes. Nakilala ang mga biktima na sina Reynaldo Apalis, 50, ng Apayao at Philip Viernes, 27, ng Claveria, Cagayan. Nabatid na mag-overtake si Apalis sa sinusundang sasakyan nang makasalubong naman ang motorsiklo ni Viernes. Kapwa tumilapon ang dalawa bago bumagsak sa sementadong highway kung saan idineklarang patay sa ospital.

Show comments