^

Probinsiya

Trak vs bus: 2 todas, 4 sugatan

- Ni Francis Elevado -

CAMARINES NORTE, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang apat iba pa ang nasugatan matapos magsalpukan ang pampasaherong bus at delivery trak sa Maharlika Highway, Barangay Itomang sa ba­yan ng Talisay, Camarines Norte kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Edgardo Roll Jr., 42, ng Bundia Street sa Balut, Tondo, Manila; at Emmanuel Paquita Rojo ng Barangay Bautista sa bayan ng Labo.

Sugatang isinugod sa Camarines Norte Provincial Hospital sina Mark Rodriguez, 33, konduktor ng DLTB; Fernando Ramores, Marjun De Jesus, driver ng trak, ng Barangay Amigus-Basud at ang pahinanteng si Edison Sevilla.

Sa ulat ni SPO1 Ceferino Aguilar Jr., sinalpok ng trak (CSY881) ni De Jesus ang aircon bus (TYX860) na minamaneho ni Roll Jr.

Nagliparan ang mga steel bar na kargamento ng trak kung saan tumusok sa ulo at naglagos sa batok ni Roll Jr. ang isa sa mga bakal.

Lumilitaw sa imbestigas­yon na lango sa alak ang driver ng trak na sinasabing ihahatid sana ang kanyang kainuman sa bayan ng Labo.

BARANGAY AMIGUS-BASUD

BARANGAY BAUTISTA

BARANGAY ITOMANG

BUNDIA STREET

CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE PROVINCIAL HOSPITAL

CEFERINO AGUILAR JR.

DE JESUS

EDGARDO ROLL JR.

ROLL JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with