Bata dedo, 11 sugatan sa sakuna

CAMARINES NORTE, Philippines - Maagang sinalubong ni kamatayan ang 11-anyos na lalaki habang 11 iba pa ang nasugatan makaraang sumalpok ang pampasaherong bus sa punongkahoy sa gilid ng highway sa Sitio Nabontugan, Barangay Banga Cave sa bayan ng Ragay, Camarines Sur kahapon ng madaling araw. Kinilala ni P/Senior Insp. Henry Camwel, ang nasawing biktima na si John Carlo Cabral ng Palanas, Masbate habang naisugod naman sa Bicol Medical Center ang mga sugatan kabilang na ang ama ng bata na si Lityo Cabral, 46. Samantala, pinaghahanap naman ang driver ng Roro Bus (TXV722) na si Filer Baylon na sinasabing nakaidlip habang nagmamaneho.

Show comments