^

Probinsiya

3 sugatan sa hospital blast

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Niyanig ng malakas na pagsabog ang isa sa mga silid ng Notre Dame Hospital na ikinasugat ng tatlo katao sa Cotabato City bago maghatinggabi kamakalawa.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Emilio Tayrus, 24, security guard sa hospital; Nobaisa Pangalian, at kapatid nitong si Baisa Pangalian, kapwa 18-anyos.

Ayon kay Cotabato City PNP Director P/Senior Supt. Danny Reyes, dakong alas-11:50 ng gabi ng maganap ang pagsabog sa Room 227 na kinaroroonan  ng pas­yenteng si Badrudin Saludsong na sinasabing may warrant of arrest kaugnay ng pagpatay sa isang pulitiko sa bayan ng Barira, Maguindanao.

Bago ito ay tinawag ni Esmael Usop ang mga nurse at sinabing hindi makahinga si Saludsong at nang malapit na ang nurse sa pinto ay sumigaw ito na may granada sa pintuan ng kaniyang silid.

Kaagad na sumabog ang granada kung saan ikinasugat ng guwardiya at ng dalawang iba pa na bantay sa nasabing silid.

Inaresto naman ng mga awtoridad si Usop kaugnay ng posibleng kinalaman nito sa insidente.

BADRUDIN SALUDSONG

BAISA PANGALIAN

COTABATO CITY

DANNY REYES

DIRECTOR P

EMILIO TAYRUS

ESMAEL USOP

NOBAISA PANGALIAN

NOTRE DAME HOSPITAL

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with