Killer ng Napocor manager, tiklo

MANILA, Philippines - Kalaboso ang binagsakan ng 32-anyos na most wanted na sinasabing pumatay sa manager ng Napocor makaraang masakote ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kamakalawa sa Oroquieta City, Misamis Occidental. Kinilala ang nasakoteng pugante na si Leosito Macatan na inaresto ng pangkat ni P/Senior Insp. Danilo Balmes sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ng Iligan City Regional Trial Court. Ayon kay PNP-CIDG Chief P/Director Samuel Pagdilao Jr., si Macatan ay pangunahing suspek sa pananaksak at pagpatay kay Engineer Ronald Ellorin noong Disyembre 25, 2007. Samantala, tugis naman ang tatlo pang suspek kabilang ang anak ng retiradong pulis na si Jaime Cabilando Jr.

Show comments