Tiktik ng PNP at AFP itinumba

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  – Isa na namang magsasaka na sinasabing tiktik ng militar at pulisya ang iniulat na napaslang matapos ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army sa Barangay Salvacion sa bayan ng Pio V. Corpus, Masbate kamakalawa ng gabi. Batay sa ulat ng pulisya, nanonood sa sayawan ang biktimang si Jerwin Tulipas, 22, nang lapitan at pagbabarilin ng mga rebelde. Kaswal lamang na naglakad papalayo sa crime scene ang grupo ng NPA na animoy walang naganap na pamamaril.

Show comments