Trader itinumba sa restaurant

CAVITE, Philippines – Napatay ang 30-anyos na negosyante matapos pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa loob ng pag-aaring restaurant sa Barangay Biga 1 sa bayan ng Silang, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ni SPO1 Edgar Belza ang biktima na si Charlie Panuntan Jr, tubong Socorro, Oriental Mindoro, at may-ari ng Pampangueña Restaurant. Lumilitaw na nakikipag-usap ang biktima sa kaibigang si Glen Ford Montoya sa loob ng nasabing kainan nang lapitan at ratratin ng gunman. Away-negosyo ang isa sa sinisilip ng pulisya na motibo sa pamamaslang.

Show comments