Fireman utas sa tandem

BULACAN, Philippines – Bulagta ang 41-anyos na fireman matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harap ng panaderya sa Barangay Muzon sa San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng umaga. Limang bala ng cal .45 pistol ang tumapos sa buhay ni FO1 Carlito Antero, nakatalaga sa Aroceros Fire Station sa Intramuros, Manila at nakatira sa Francisco Homes 3 sa nabanggit na barangay. Sa imbestigasyon ni PO1 Afrasad Sadarri, bumili ng pandesal ang biktima sa panaderya at habang hinihintay ang sukli ay may humintong motorsiklo at bumaba ang backrider. Dito na nilapitan at niratrat ng gunman ang biktima kung saan nagpulasan naman ang ibang bumibili ng tinapay para di-madamay.

Show comments