Barangay tanod nilikida

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  – Isa na namang barangay tanod ang iniulat na napaslang habang nasa ktirikal na kalagayan ang kasama matapos ratratin ng mga di-kilalang lalaki sa Barangay Panisija sa bayan ng Uson, Masbate kahapon ng madaling-araw. Napuruhan sa ulo si Michael Asilum, 31, habang nakikipaglaban naman kay kamatayan sa Masbate Doctors Hospital si Joselito Moran, 29, kapwa barangay tanod at nakatira sa Barangay Buenasuerte ng nasabing bayan. Batay sa ulat ng pulisya, pauwi na ang dalawa na magkaangkas sa motorsiklo nang harangin at pagbabarilin.

Show comments