QUEZON, Philippines – Napatay ang 22-anyos na obrero matapos saksakin ng kanyang kainumang pinagmumura nito kamakalawa ng hatinggabi sa Barangay Bignay 1 sa bayan ng Sariaya, Quezon. Hindi na umabot ng buhay sa ospital sanhi ng mga tinamong tama ng saksak sa katawan si Oliver Lalonio, may-asawa habang naaresto naman ang suspek na si Boyet Alvero. Sa imbestigasyon ni PO2 Fidel Gaa, masayang nag-iinuman ang dalawa kasama ang ilang kaibigan nang mahulog sa upuan ang biktima. Dito na pinagtawanan ng suspek kaya minura ito ng biktima. Kaagad naman umalis ang suspek at pagbalik ay sunud-sunod na sinaksak ang biktima.