Magsasaka patay sa heat stroke

TUGUEGARAO CITY, Philippines  – Dahilan sa matinding init ng panahon, isang 47 anyos na magsasaka ang nasawi sanhi ng heat stroke sa lalawigan ng Isabela kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Estefanio Dela Cruz ng Brgy. Surcoc, Naguian, Isabela.

Ang biktima ay natagpuang nakabulagta sa gitna ng maisan sa nasabing lugar na agad isinugod sa pa­gamutan .

Kinumpirma naman ni Dr. Maricar Capuccino, Rural Health Officer ng nasabing bayan na heat stroke ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Samantala, umaabot naman sa apat na hektaryang pananim na tubo na kinontrata ng Ecofuel Innovations Inc. ang naabo na pinaniniwalaang nasunog dahilan lamang sa pagpitik ng sigaril­yo sa Brgy. Alibadabad, San Mariano at Brgy, Bintacan, Ilagan, Isabela.

Show comments