^

Probinsiya

9 suspek sa vice mayor slay kinasuhan na

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sinampahan na kahapon ng kasong murder sa Department of Justice ang siyam na suspek sa pagpatay kay Mambusao, Capiz Vice Mayor Abel Martinez noong Mayo 4, 2012.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Cipriano Querol Jr. na nakarating sa Camp Crame ang kaso ay isinampa nina Capiz Provincial Police Office Director at Special Investigating Task Group Chief P/Senior Supt. Domingo Cabillan sa tanggapan ni Justice Secretary Leila de Lima.

Kabilang sa mga kinasuhang suspek ay sina Geger Francisco ng Barangay­ Maliao; Sunday Danid, anim na John Does at isang Peter Doe na sinasabing mastermind sa krimen.

Sa tala ng pulisya, si Vice Mayor Martinez, 79, pinagbabaril at napatay sa harapan ng tahanan sa Barangay Poblacion noong Biyernes ng umaga (Mayo 4).

Sa kasalukuyan, ayon pa sa opisyal ay apat na witness na ang hawak ng SITG Martinez laban sa mga suspek.

BARANGAY POBLACION

CAMP CRAME

CAPIZ PROVINCIAL POLICE OFFICE DIRECTOR

CAPIZ VICE MAYOR ABEL MARTINEZ

CHIEF SUPT

CIPRIANO QUEROL JR.

DEPARTMENT OF JUSTICE

DOMINGO CABILLAN

GEGER FRANCISCO

JOHN DOES

JUSTICE SECRETARY LEILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with