Amo dinedo ng katiwala
CAMARINES NORTE, Philippines – Dahil sa sinasabing matinding panlalait ay nagawang paslangin ng katiwala ang kanyang 84-anyos na amo na sinasabing ibinaon at sinunog ang bahay nito sa Barangay Dalas sa bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa ng hapon. Sa ulat ni PO3 Glenn Aguitong, kinilala ang biktima na si Cleofe Malubay habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Ramil Egay, 29, ng Purok 4 sa nabanggit na bayan. Ayon kay P/Chief Insp. Eusebio Estopares, mismong ang suspek ang nagbigay ng impormasyon sa pulisya na nasusunog ang bahay ng biktima. Hindi naman kumbinsido ang mga imbestigador ng pulisya sa alibi ng suspek na inamin din ang nagawang krimen.
- Latest
- Trending